Gabay sa Aplikasyon ng GCC Unified Visa (GCC Grand Tours Visa)

Ano ang GCC Grand Tours Visa?

Ang GCC Unified Visa, na kilala rin bilang GCC Grand Tourist Visa, ay isang programa na nagbibigay pagkakataon sa mga mamamayang hindi nakatira sa Gulf na makabisita sa isa o sa lahat ng anim na bansang kabilang sa GCC gamit lamang ang iisang visa.

Ipinakilala ng Gulf Cooperation Council (GCC) ang unified tourist visa na ito upang gawing mas madali ang paglalakbay at marami pang turista ang mahikayat na bumisita sa rehiyon.

Sa pamamagitan ng visa na ito, makakapunta ka sa:

  • United Arab Emirates (UAE)
  • Saudi Arabia
  • Qatar
  • Kuwait
  • Bahrain
  • Oman

Sa halip na mag-apply ng magkahiwalay na visa para sa bawat bansang nais puntahan, maaari ka nang makapaglibot sa mga lugar sa Gulf sa pamamagitan lamang ng GCC unified visa. Dito ay mas makakatipid ka sa oras at gastos.

Opisyal na inaprubahan ng mga bansa sa GCC ang Unified Tourist Visa “GCC Grand Tours” noong 2023. Ang pangunahing layunin nito ay mas padaliin para sa mga mamamayang hindi taga-GCC, kahit pa nakatira sila sa isa sa mga bansa sa Gulf, na makapaglibot sa rehiyon nang hindi na kinakailangan pang magpasa ng napakaraming papeles.

Inaasahang magsisimulang tumanggap ng aplikasyon para sa GCC visa sa mga huling buwan ng 2025, bagama’t wala pang tiyak na petsa ng pagsisimula.

Sino ang Maaaring Mag-Apply?

Narito ang mahahalagang detalye para sa mga maaaring mag-apply para sa unified GCC visa:

  • Bukas sa lahat ng turistang hindi mamamayan ng anumang bansa sa GCC.
  • Mga dayuhang residente na nakatira sa isa sa alinmang bansa sa GCC ay maaari ring kumuha ng aplikasyon para sa unified visa para sa mga bansa sa GCC.

*Hindi pa inilalabas ang opisyal na listahan ng mga nasyonalidad na maaaring mag-apply dito, ngunit nabanggit ng mga lider ng GCC na maraming bansa ang masasaklaw nito.

Maaari pa ring makapaglibot sa loob ng rehiyon ang mga mamamayan ng GCC tulad ng dati, gamit pa rin ang kanilang national ID cards.

Saan Mo Ito Magagamit?

  • Paglalakbay sa iba’t ibang rehiyon sa Gulf para sa turismo.
  • Pagbisita sa pamilya o kaibigan na nakatira sa ibang lugar sa GCC.

Mga Hindi Kabilang at Espesyal na mga Kaso:

  • Hindi maaaring gamitin ang unified tourist visa ng mga mamamayang gusto magtrabaho o magkaroon ng labor visa.
  • Sinumang nakalabag sa mga patakaran ng visa sa alinmang GCC na mga bansa noon ay malaki ang posibilidad na ma-deny sa pagkuha ng unified GCC visa.

Paano Mag-Apply ng GCC Unified Visa

Sa oras na magbukas ang aplikasyon para sa GCC Grand Tours Visa, magiging madali lang ang proseso. Narito ang detalyadong hakbang kung paano ang magiging daloy sa pagkuha ng aplikasyon para sa GCC unified visa:

Paano Mag-Apply ng GCC Unified Visa

Sa oras na magbukas ang aplikasyon para sa GCC Grand Tours Visa, magiging madali lang ang proseso. Narito ang detalyadong hakbang kung paano ang magiging daloy sa pagkuha ng aplikasyon para sa GCC unified visa:

1

Bisitahin ang GCC Visa Portal

Pumunta sa GCC Grand Tours Visa Portal. Dito mismo gagawin at isusumite ang mga kinakailangan para sa aplikasyon ng GCC visa.

2

Pumili ng Nais Mong Opsyon sa Paglalakbay

Pumili kung gusto mo bang bumisita sa isang bansa o gusto mong kumuha ng multi-country visa para malibot mo ang buong rehiyon.

3

Isumite ang mga Detalye ng Iyong Paglalakbay

Sagutan kung ano ang mga plano mo sa paglalakbay at isumite rin ang iba pang mga kinakailangang dokumento sa iyong aplikasyon para sa GCC Grand Tours visa.

4

Bayaran ang Bayad sa Visa

Bayaran ang iyong visa gamit ang online payment system.

5

Tanggapin ang Iyong Visa sa Email

Hintayin mong maipadala sa email mo ang iyong visa.

6

Mag-save ng Iyong Kopya

Siguraduhing mayroon kang kopya sa iyong cellphone o kaya naman ay maaari mo itong i-print para may maipakita kang katibayan pagdating mo sa airport.

Mga Kinakailangang Dokumento sa Aplikasyon

Para makumpleto mo ang aplikasyon para sa GCC tourist visa, kailangan mong ihanda ang ilang mahahalagang dokumento. Maaaring pang magbago ang pinal na listahan depende sa iyong nasyonalidad at plano sa paglalakbay, pero narito ang mga karaniwang hinihingi para sa unified GCC tourist visa:

Balidong Pasaporte

Inaasahan na ang iyong pasaporte ay may bisa nang anim na buwan bago ang petsa ng paglilibot.

Kumpletong Application Form

Sagutan ang online na aplikasyon at siguraduhing tama lahat ang mga impormasyong nakasaad dito.

Pinakabagong Kuha ng Litrato

Kinakailangan ng bagong passport-size na larawan na kasamang isusumite sa iyong aplikasyon.

Katibayan ng Akomodasyon

Ito ay maaaring isang kumpirmasyon mula sa hotel bookings o liham ng imbitasyon mula sa iyong pamilya o mga kaibigan.

Travel Insurance

Kinakailangan mo ng insurance na sinasaklaw ang mga kakailanganin mo pang-medikal sa buong pananatili mo sa mga bansa sa GCC.

Katibayan ng Pondo

Magbigay ng mga bank statement o katulad na dokumento na magpapatunay na ikaw ay may sapat na badyet para tustusan ang iyong biyahe.

Tiket Papunta o Tiket Pabalik

Mag-save ng kopya ng iyong tiket na nagpapatunay at nagpapakita ng petsa ng pag-alis mo sa nasabing rehiyon.

Sa pamamagitan ng pagsunod sa bawat hakbang na nakasaad dito ay makatutulong ito upang mas mapabilis at maayos ang maging proseso ng iyong aplikasyon sa GCC unified visa.

Bayad sa Aplikasyon

  • Ang bayad sa visa ay inaasahang nagkakahalaga ng $90 hanggang $130.

Bagama’t hindi pa ito sigurado at maaari pang magbago, patuloy pa ring hinihikayat na manatiling nakatutok sa pinakabagong balita tungkol sa GCC visa para sa mga mahahalagang detalye.

Pagkakasunod-sunod na Pagproseso ng GCC Grand Tours Visa

Oras ng Pagpopreso
  • Madalas ay inaabot ng 3 araw hanggang isang linggo ang proseso sa oras na maisumite mo ang aplikasyon.

Gayunpaman, hindi pa rin tiyak ang eksaktong oras ng pagproseso para sa GCC Grand Tours Visa dahil nasa huling yugto pa rin ito ng pagpaplano.

Abiso at Pagbibigay ng Visa

Inaasahang magiging madali ang pagproseso: kinakailangan mo lang sagutan ang online form, i-upload ang iyong mga dokumento, at bayaran ang fee online.

Sa oras na maaprubahan ang iyong aplikasyon, ipadadala na ang unified GCC tourist visa sa iyong email.

Tips para Maging Matagumpay ang Pagkuha ng Aplikasyon ng Visa

Hindi kinakailangang nakaka-stress ang pagkuha ng unified tourist visa ng Gulf Cooperation Council kung maaga kang magpaplano. Narito ang tips para tulungan kang makakuha agad sa unang subok:

  • Siguraduhin na ang iyong pasaporte ay may bisa nang anim na buwan pagkatapos ng petsa ng iyong paglilibot.
  • Sagutan nang wasto at kumpleto ang aplikasyon.
  • Siguraduhing tugma ang iyong mga plano ng paglilibot sa isinumite mong aplikasyon.
  • Magtabi ng kopya ng hotel bookings at mga pabalik na flight ng tiket.
  • Ihanda ang mga patunay na may sapat kang pera para tustusan ang iyong pananatili sa lugar.
    Para maiwasan ang pagka-delay o pagka-reject ng aplikasyon, iwasang magkamali at siguruhing tama at kumpleto ang mga baybay at impormasyon.
  • Agahan ang pagsusumite ng aplikasyon para hindi ma-stress.
  • Sundin ang mga dokumentong kinakailangan base sa iyong nasyonalidad.
  • Magtabi ng kopya ng iyong isinumiteng aplikasyon at resibo ng binayaran.
  • Tignan ang iyong email para sa pinakabagong balita sa iyong aplikasyon o kung may karagdagang kahilingan ka mula sa opisina ng visa.
  • Dahil bago pa lang ang GCC unified visa, posibleng may mabago pa sa mga detalye.
  • Laging antabayanan ang aming website para sa pinakabagong balita tungkol sa GCC unified visa.

Anong Mangyayari Pagkatapos Kong Maaprubahan?

Kapag naaprubahan na ang iyong aplikasyon, matatanggap mo na sa email ang iyong unified GCC tourist visa. Makukuha mo ito nang naka-digital file, kaya naman siguraduhing may dala-dala kang printed na kopya nito habang ikaw ay bibiyahe sa mga bansa sa GCC.

Hindi pa pinal ang eksaktong bilang ng araw ng pananatili mo gamit ang visa na ito, pero asahang sapat ang ibibigay na panahon para makabisita ka sa isa o higit pang lugar sa rehiyon.

Sa ngayon, inaasahang may bisa ang unified GCC tourist visa mula 30 hanggang 90 araw

Mga Kadalasang Tanong

Hindi. Kinakailangan mong mag-apply muna online para sa unified GCC visa.

Bagama’t hindi pa ito opisyal na kinukumpirma, inaasahang papayag ang unified GCC visa na magagamit ito nang paulit-ulit.

Hindi, pero dapat saklaw ng insurance mo ang lahat ng gastusin para sa medikal mong pangangailangan sa pagbisita mo sa anim na GCC na mga bansa.

Oo, kung UAE lamang ang gusto mong bisitahin, maaari mong piliin ang opsyon na iyon kapag mag-a-apply ka para sa unified GCC visa online.

Sa ngayon ay hindi pa kumpirmado kung maaari mong i-extend ang iyong GCC Unified Visa. Manatiling nakatutok sa pinakabagong balita dahil marami pang mahahalagang detalye ang iaanunsyo tungkol sa pag-e-extend.

Oo. Pareho ito sa sistema ng Schengen na binibigyang pagkakataon ang mga turista na malayang makabiyahe sa anim na bansang kabilang sa GCC gamit lamang ang isang unified tourist visa ng Gulf Cooperation Council.

Apply for the GCC Unified Visa

Your Next Step to Explore the Gulf

Why deal with the hassle and cost of applying for six different visas when you can visit the entire region with just one? The unified tourist visa of the Gulf Cooperation Council lets you save money and skip the headache of separate applications.

Once the applications are open, you can apply for the GCC Unified Visa online through GCC Grand Tours Visa Portal.

Apply Now